Base sa House Resolution 1818, kailangang maisama sa cover ng Philhealth ang psoriasis upang ma-avail ito ng mga mahihirap na Filipino.
Bukod pa ito sa para mapababa ang kaso ng nasabing sakit sa bansa.
Nakasaad sa resolusyon na ang psoriasis ang isa sa most baffling at persistent skin diseases sa bansa.
Sa kasalukuyan sakop ng Philhealth ang psoriatic arthitis o ang pamamaga ng joints ng isang indibidwal pero hindi ang sakit na psoriasis dahilan upang dalawang porsyento ng mga Pinoy na may sakit na ito ang hindi nakakakuha ng medical attention.
Nakasaad pa sa resolusyon na malaking porsyento ng hindi nakaka avail ng benepisyo ng Philhealth ay mula sa mga mahihirap na sektor.