Binabantayang LPA ng PAGASA isa nang bagyo, pinangalanang Domeng

Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone.

Ang tropical depression na pinangalanang Domeng ay huling namataan sa 675 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometer per hour.

Kumikilos ang bagyong Domeng sa direksyong North Northwest sa bilis na 14 kilometer per hour.

Ayon sa PAGASA ang bagyong Domeng ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Eastern at Central Visayas, Caraga at Davao Regions.

Hindi naman ito inaasahang tatami sa kalupaan pero maari itong makapagdulot ng paglakas ng southwesterly windflow na magpapaulan sa ng malakas sa western sections ng Luzon at Visayas sa weekend.

Paakyat ang bagyo at sa Linggo pa inaasahang lalabas ng bansa.

Samantala isa pang LPA ang binantayan ngayon ng PAGASA na huling namataan sa 1,193 kilometers East ng Luzon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...