Unemployment rate bumaba pero underemployment tumaas ayon sa PSA

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 05, 2018 - 10:59 AM

Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa makaraang makapagtala ng 5.5 percent na unemployment rate para sa buwan ng Abril.

Ang nasabing datos ay mas mababa kumpara sa 5.7 percent na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa kabila naman ng pagbaba ng unemployment rate sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas naman ang underemployment rate o bilang ng mga taong may trabaho na pero nais pang magkaroon ng dagdag na oras sa trabaho o dagdag na hanapbuhay.

Mula sa 16.1 percent noong April 2017, tumaas ang underemployment ngayong taon sa 17 percent.

Noong nakaraang buwan lang sinabi ng World Bank na maituturing na “crucial” ang pagtugon sa problema sa underemployment para mabawasan ang kahirapan sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, underemployed, unemployment rate, Radyo Inquirer, underemployed, unemployment rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.