P74M na halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA sa Cavite at Parañaque
Aabot sa P74 milyon na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang anti-drug operation sa Parañaque at Cavite mula sa apat na mga suspek.
Kinilala ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino ang mga naarestong suspek na sina Dolores Lintag, 51-anyos, Melchor Corocoto 29-anyos, Daniel Dela Cruz-21 anyos at William Dela Pizza.
Ang mga suspek ay nahuli sa magkakahiwalay na operasyon.
Nagsimula ang operasyon ng PDEA matapos na makatanggap ng sumbong ang mula sa Bureau of Customs (BOC) na may kahina-hinalang bagahe na dinala sa Clark Free Port at nang suriin ng PDEA ang laman ng bagahe nagpositibo ito sa shabu.
Dito na isinailalim ng PDEA sa surveillance ang bagahe.
Dalawang team ng PDEA ang nag-deliver ng bagahe sa Barangay San Martin De Porres sa Parañaque City at San Nicolas, Bacoor, Cavite.
Sa operasyon nakuha sa mga suspek na sina Dela Cruz at Dela Pizza sa Cavite ng 4.5 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P30,600,000 na inilagay sa isang kahon ng piano chair.
Sa Parañaque naman nakuha ang 6.5 kilos ng shabu na tinatayang nasa P44,200,000 ang halaga na dineklarang grill pan habang naaresto soon sina Corocoto at Litag.
Ang mga suspek ay nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.