Tatlong miyembro ng NPA sumuko sa General Santos City

Inquirer file photo

Sumuko ang tatlong myembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang senior citizen sa General Santos City.

Nakilala ang mga ito na sina Goyo Lagal Pandatu, 27 anyos at Toto Lumbay Sore, 32 anyos na parehong mula sa Surallah, South Cotabato.

Isinuko nila sa 27th Infantry Battalion ang kanilang armas na M16 rifle, improvised M79 rifle at kalibre .45 na Thompson sub-machine gun.

Nagbalik-loob din sa estado si Boy Cabisa Diale, 75 anyos ng Malapatan, Sarangani.

Isinuko rin ni Diale sa mga otoridad ang isang M16 rifle.

Kumalas sa NPA ang tatlo dahil nahirapan sila sa pagtatago mula sa militar na patuloy na nagsasagawa ng operasyon laban sa rebeldeng grupo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...