Nakumpleto na Philippine National Police (PNP) ang recruitment sa mga bagong myembro ng Special Action Force (SAF).
Ayon kay Senior Inspector Jonalyn Malnat, Spokesperson ng SAF, nabuo na nila ang 5 batalyon ng elite force na sasabak sa basic recruitment at field training na di kinalaunan naman ay sasabak din sa Enhance Basic Internal Security Course.
May 2, 2018 natapos ang recruitment kung saan dalawang batch na ang nagtapos sa anim na buwan ng pasasanay habang may panibagong batch pa na sasalang sa training ngayong taon.
Dahil sa 1,920 na dagdag pwersa, mula sa 4,000 ay nasa mahigit 6,000 na ngayon ang myembro ng SAF.
Matatandaang, prayoridad ngayon ng pambasang pulisya na madagdagan ang PNP Special Action Force (SAF), batay na rin sa naging direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte.
Ayon sa Directorate for Records and Management, matagal na itong plano ng PNP, ngunit naging priority na lamang ito ng pangulo dahil sa nangyari sa Marawi City.
Sa kabuuan ay dapat maka recruit ang PNP ng nasa 15,000 na bagong pulis kada taon.
Dahil nasa 5,000 dito ay mga nagreretiro, may namamatay at natatanggal sa serbisyo at 10,000 naman ang regular quota ng mga PO1.