Kaso ng OFW na pinatay sa South Korea tinalakay nina Pangulong Duterte at President Moon
Bukod sa pagpapaigting sa ugnayan ng dalawang bansa, tinalakay din sa pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at South Korean President Moon Jae-In ang kaso ni Angelo Claveria.
Si Claveria ang Ilonggo na Overseas Filipino Worker (OFW) na natagpuan ang skeletal remains sa loob ng water tank sa South Korea.
Ayon kay Special Assistant to the President Sec. Christopher “Bong” Go, nangako ang Korean government na bibigyang solusyon ang kaso ni Claveria at tutugisin ang mga suspek.
Ayon pa kay Go, ipinaabot ni Pangulong Duterte kay Pres. Moon ang pasasalamat nito para sa agarang repatriation ng mga labi ni Angelo.
Agad namang ipinaabot ni Go sa pamilya ni Claveria ang pangako ng Korean government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.