Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa maraming lalawigan sa Mindanao

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 05, 2018 - 07:59 AM

PAGASA

Nananatiling nakataas sa maraming lalawigan sa Mindanao ang heavy rainfall warning dahil sa binabantayang Low Pressure Area at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, alas 7:00 ng umaga, yellow rainfall warning pa rin ang umiiral sa maraming lalawigan sa Mindanao.

Kabilang dito ang Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Siargao Islands, Davao Oriental, Davao City, Compostela Valley, Camiguin, Bukidnon, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Zamboanga del Norte.

Ayon sa PAGASA ang mga nabanggit na lugar ay maaring makaranas ng pagbaha bunsod ng nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Pinayuhan ang mga residente na mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Mindanao, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, yellow rainfall warning, Mindanao, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.