2 drug suspects patay matapos manlaban sa mga otoridad sa Cavite

Patay ang dalawang lalaki makaraang manlaban sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Cavite City.

Ayon sa ulat ng Cavite Police station, nagkasa sila ng buy-bust laban sa dalawang suspek na sina alyas Lorick at alyas Romiel kaninang madaling araw.

Pero nakatunog ang mga suspek na isang pulis pala ang kanilang kantransaksyon.

Dahil dito, tinangka ng dalawa na tumakas sakay ng kanilang motorsiklo pero na nagresulta sa pakikipaghabulan sa mga otiridad.

Pagsapit sa Bacoor Boulevard, bumaba ng motorsiklo ang dalawa at nagtungo sa madamong bahagi ng kalsada at saka pinaputukan ang mga pulis.

Doon na gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...