LPA magiging bagyo sa susunod na 24 oras; Metro Manila at mga kalapit na lugar maagang inulan
Magiging bagyo sa susunod na 24 oras ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa Mindanao.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 795 KM East ng Surigao City, Surigao Del Norte.
Ayon kay PAGASA weather specialist Shelly Ignacio, papangalanan itong Domeng sa sandaling maging isang ganap na tropical depression.
Sinabi ni Ignacio na mababa naman ang tsansa na ito ay tumama sa kalupaan ng bansa pero ang outer rainbands nito ay maghahatid ng moderate hanggang heavy na pag-ulan sa eastern section
ng bansa.
Samantala, maaga namang nakaranas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas kaninang alas 5:10 ng umaga, apektado ng malakas na buhos ng ulan na mayroong pagkidlat at malakas na hangin ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga at Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.