Mindanao nakararanas ng pag-ulan dahil sa LPA at ITCZ

By Justinne Punsalang June 05, 2018 - 04:52 AM

Itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa ilang mga lalawigan sa Mindanao dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ) at low pressure area (LPA) na umiiral sa rehiyon.

Sa abiso ng PAGASA, nakataas ang yellow rainfall warning sa Agusan del Norte; Agusan del Sur; Dinagat Islands; Siargao Islands; Surigao del Norte; Surigao del Sur; Davao Oriental; Compostela Valley; Camiguin; Misamis Oriental, partikular ang mga bayan ng Gingoog, Claveria, Magsaysay, Talisayan, Balingoan, Kinoguitan, Sugbongcogon, Binuangan, Salay, Lagonglong, Balingasag, Jasaan, at Villanueva.

Paalala ng PAGASA, posible ang mga pagbaha sa mabababang bahagi ng mga nabanggit na lugar, lalo na sa mga malapit sa ilog.

Samantala, nakararanas naman ng mabigat na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na bugso ng hangin dahil sa thunderstorm ang Bukidnon, partikular ang mga bayan ng Malaybalay, Cabanglasan, Impasug-ong, San Fernando, Quezon, Valencia, at Malitbog; Davao City; Davao del Norte; Misamis Occidental, partikular ang mga bayan ng Oroquieta, Lopez Jaena, Calamba, Plaridel, Aloran, Panaon, Concepcion, at Sapangdalaga; Zamboanga del Norte, partikular ang mga bayan ng Dapitan, Sibutad, Rizal, La Libertad, Polanco, Dipolog, Mutia, Pinan, Manuel Roxas, at Manukan; at Basilan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.