2 drug suspek patay sa engkwentro sa Quezon City

By Justinne Punsalang June 05, 2018 - 04:13 AM

Nanlaban ang dalawang drug suspek sa mga otoridad na nagkasa ng buy bust operation laban sa mga ito sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Nagresulta ito sa engkwentro, na ikinasawi ng mga suspek na sina Robert Rivera alyas Bulak at Randy Matiaz alyas Buboy.

Kapwa kabilang sina Rivera at Matiaz sa bagong inilabas na drugs watchlist ng mga otoridad.

Ayon sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6, natapos na ang transaksyon at aktong aarestuhin na ang dalawang suspek nang bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Dahilan ito upang gumanti rin ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay nina Rivera at Matiaz.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang 10 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng halos P10,000; dalawang kalibre 38 baril na kapwa kargado ng bala, isa dito ay walang serial number; at mga drug parapernalia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.