Kapangarihan ng DOH secretary sa pagpili ng mga bakuna dapat limitahan ayon sa isang mambabatas

Kasunod ng mainit na diskusyon tungkol sa Dengvaxia controversy, ay nais ni Manila 5th District Representative Cristal Bagatsing na limitahan ang kapangyarihan ng kalihim ng Department of Health (DOH) sa pagpili ng mga bakuna na ibibigay sa publiko.

Sa pamamagitan ng isinusulong na House Bill 7451 ni Bagatsing ay nais nito na ilagay sa kamay ng Kongreso ang pagpili ng mga bakuna para sa mandatory basic immunization program ng pamahalaan na ibibigay sa mga sanggol at bata.

Ani Bagatsing, makikita sa Dengvaxia vaccine controversy na hindi dapat ibigay ang tanging kapangyarihan sa pagpili ng bakuna sa nag-iisang tao lamang.

Kabilang sa mandatory basic immunization program sa ilalim ng panukalang batas ay ang mga bakuna laban sa tuberculosis; diphtheria; tetanus at pertussis; poliomyelitis; measles; mumps; rubella o German measles; hepatitis B at H influenza type B.

Read more...