Mga gurong lumipat sa public schools problema ngayon ng DepEd
Kasabay ng muling pagbubukas ng klase, hinaharap ngayon ng Deparment of Education (DepEd) ang hamon ng paglipat ng mga guro mula sa private schools papunta sa mga pampublikong eskwelahan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Education Secretary Leonor Briones, sinabi nito na sa gitna ng isyu ng hirit na umento sa sahod ng mga public school teachers ay dapat tugunan ng DepEd ang migration o paglipat ng mga private school teachers dahil sa mas malaking sweldo sa public schools.
Ayon kay Briones, bukod sa problema sa mga guro ay kinakaharap din ng ahensya ang kakulangan ng space para sa mga bagong eskwelahan.
Isa aniyang ginagawa ng DepEd ay ang pagpapagamit sa ilang pasilidad kabilang ang malalaking opisina at kwarto sa loob ng eskwelahan kung saan nililipat ang mga paaralan na kulang sa classrooms.
Samantala, kaugnay naman ng K-12 Program ng gobyerno, itiananggi ng kalihim na layon ng programa na magtrabaho na agad ang senior high school graduates at hindi na magkolehiyo.
Ayon kay Briones, mas marami pa ring nagtapos ng senior high school ang nais na magpatuloy ng pag-aaral sa mga unibersidad at kolehiyo kung saan bentahe nila ang naturang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.