Puganteng Mexican drug dealer sugatan sa bigong pag-aresto sa kanya

By Den Macaranas October 17, 2015 - 03:35 PM

El Chapo
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Mexican Authorities na nakatakas sa kanilang ginawang military operations sa El Verrano Sierra Madre Mexico ang kilabot na drug dealer na si Joaquin “El Chapo” Guzman na siyang pinuno ng kilabot na Sinaloa Drug Cartel.

Magkaganunman sinabi ni Sinaloa State Gov. Mario Lopez na sugatan si El Chapo sa isinagawang operasyon na resulta ng kanilang ilang linggong intelligence work.

Si Guzman ay magugunitang nakatakas musa kanyang highly secured na kulungan Mexico City noong nakalipas na buwan ng Hulyo.

Naganap ang pagtakas ilang araw makaraang ihayag ni Mexican President Enrique Pena Nieto na malapit na nilang malansag ang Multi-Billion Dollar drug empire ni El Chapo.

Nakatakas ang nasabing kilabot na drug cartel leader sa pamamagitan ng isang halos ay isang kilometrong haba ng tunnel sa mismong ilalim ng kanyang selda.

Noong isang linggo ay isang malaking operasyon din ang ginawa ng mga otoridad sa Bayan Tangula kung saan ay napilitang lumikas ang ilang daang mga residente dahil sa nagmistulang war zone ang kanilang lugar.

Si Guzman ay pang-labing isa sa listahan ng Forbes Magazine sa hanay ng mga pinaka-mayamang residente ng bansang Mexico.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.