Hindi isyu sa Palasyo ng Malacañan ang pakikipaghalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pilipina sa meet and greet nito sa Filipino community sa South Korea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tanggap naman sa kultura ng mga Pilipino ang ginawa ng pangulo.
Sinabi pa ni Roque na may pahintulot naman sa babae ang paghalik sa labi ng pangulo.
Wala rin aniyang malisya ang naturang halik.
Ayon kay Roque, endearment lamang o pagpapakita ng pagmamahal ang ginawa ng pangulo sa mga overseas Filipino workers (OWFs).
Giit pa ni Roque, ang mga bumabatikos sa halik ng pangulo ay ang mga karaniwan nang kritiko ng punong ehekutibo.
MOST READ
LATEST STORIES