Pinaiigting na ng South Korea ang pakikipag-ugnayan sa Southeast Asian countries gaya ng Pilipinas habang nag-aabang ang buong daigdig sa magiging kahihinatnan ng pag-uusap ng Estados Unidps at North Korea.
Sa bilateral summit meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at South Korean President Moon Jae-in sa Blue House sa South Korea, tiniyak ng dalawang lider na paiigtingin pa ang diplomatikiong ugnayan ng dalawnag mga bansa.
Kabilang na rito ang usapin sa regional peace sa rehiyon, ekonomiya, kultura, pulitika, at iba pa.
Ayon kay President Moon, nakapagtatag na ng solidong pundasyon ng pagkakaibigan ang dalawang bansa nang tulungan ng Pilipinas ang South Korea sa pakikipaggiyera sa NoKor noong 1950.
Sinabi pa ni President Moon na malaki na ang naging progreso ng Pilipinas at South Korea sa nakalipas na 70 taon.
Sa panig naman ni Pangulong Duterte, sinabi nito na welcome sa Pilipinas ang isinusulong na Southern Policy ng South Korea kung saan tintumbok nitong paglagakan ng negosyo ang mga bansang nasa Southeast Asia.