Special task force binuo para sa imbestigasyon sa pamamaslang sa assistant prosecutor ng Ombudsman

Bumuo ng nine-member special task force ang Quezon City Police District (QCPD) upang imbestigahan ang pamamaslang sa isang assistant special prosecutor ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay QCPD chief, Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., tatawaging Special Investigation Task Group (SITG) Tanyag ang grupo na pamumunuan ni Senior Superintendent Ronaldo Genaro Ylagan.

Layunin ng task group ang mabilisang maresolba ang kaso ng pananaksak kay Assistant Special Prosecutor Madonna Joy Ednaco-Tanyag sa tapat ng isang lottery outlet sa kahabaan ng Visayas Avenue na sakop ng Barangay Vasra, Lunes ng tanghali.

Ani Esquivel, nagsasagawa na rin ang mga pulis ng review sa CCTV footage sa lugar upang makilala ang salarin sa pananaksak.

Aniya pa, isa sa kanilang tinitingnang motibo sa krimen ang pagnanakaw.

Read more...