CSupt. Eleazar pormal nang manunungkulan bilang NCRPO chief

By Jong Manlapaz June 05, 2018 - 03:37 AM

Pormal ng inilipat kay Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang pagiging hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ginawang assuption of office ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sumentro ang talumpati ni Eleazar sa bawal na gamot at sa mga tiwaling pulis.

Ani Eleazar, tutukan nito ang kabataan upang mailigtas ang mga ito sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Maglalagay din ng communication system ang bagong hepe ng NCRPO para mas mabilis na makakapagsumbong ang mga residente ng Metro Manila.

Nagbigay din ito ng babala sa mga kapwa nitong pulis na paiiralin niya ang disiplina sa kanilang hanay.

Sa huli, naging madamdamin ang talumpati ng heneral matapos pasalamatan ang kanyang mga magulang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.