Korean national nagpatiwakal sa Makati City

Posibleng depression ang nagtulak sa isang babaeng Korean national na tumalon sa kanyang kamatayan sa ika-43 palapag ng Salcedo Park Tower 1 condominium sa HV Dela Costa sa Barangay Belair, Makati City alas-10:23 ng umaga ng Lunes.

Ayon kay Senior Inspector Engelbert Alan, hepe ng PCP 6 sa Makati, sa kwento ng mister na si Kim Young Hin, dalawa beses nang nagtangkang magpakamatay ang kanyang misis na si Kim Min Yun, 35 taong gulang noong 2016 sa pamamagitan ng drug overdose.

Sinabi umano sa kanya ng kanyang misis pagbalik noong June 2 mula sa bakasyon na may malala siyang sakit at malapit nang mamatay.

Kwento pa ng mister, natutulog siya kaninang umaga nang gisingin siya ng kanyang anak na babae para ipaalam ang pagtalon ng kanyang ina.

Hindi naman naberipika ang sinasabing malubhang sakit ng Koreana.

Read more...