Aquino, aminadong naisip na baka makulong siya gaya ni De Lima
Inamin ni dating Pangulong Noynoy Aquino na posibleng sapitin niya ang nangyaring kapalaran ni Senator Leila de Lima.
Sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) ng kaso laban sa kanya kaugnay ng Dengvaxia, sinabi ni Aquino na sumagi sa isip niya na posibleng makulong din siya gaya ng dating Justice secretary.
Ayon sa dating pangulo, hindi niya maiwasan na mag-isip ng nangyari sa dati nitong gabinete na ngayon ay nakakulong dahil sa droga sa National Bilibid Prison (NBP).
Si Aquino, kasama sina dating Health Sec. Janette Garin at dating Budget Sec. Butch Abad at iba pang dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health (DOH) ay kinasuhan dahil sa posibleng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Government Procurement Reform Act, Revised Penal Code at Revised Penal Code for purchasing and using Dengvaxia vaccine to children.
Sa kanilang isinumiteng kontra salaysay ay iginiit nina Aquino, Garin, Abad at ibang akusado na walang anomalya sa implementasyon ng Dengue Vaccine Program ng nakaraang administrasyon gamit ang Dengvaxia.
Sinabi naman ni Aquino na ang mga testimonya ng mga convicted drug lords ang ginamit para makulong ang senadora na matinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag ng dating pangulo, ang tanging meron siya ay ang katotohanan at ang tulog ng Diyos kaya malalampasan umano nito ang naturang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.