EXCLUSIVE: 2 suspek na pumatay sa asst. prosecutor ng Ombudsman, arestado na ng QCPD
Naaresto na ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang hinihinalang suspek sa panghold-up at pagpatay sa assistant special prosecutor ng Office of the Ombudsman kaninang umaga sa Visayas Avenue, Quezon City.
Ang nasabing impormasyon ay kinumpirma ng ilang opisyal ng Barangay Vasra.
Nakuha sa mga suspek ang kulay pink na cellphone na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng biktima at identification card (ID) mismo ni Atty. Madona Joy I. Ednaco-Tanyag.
Tumanggi naman magbigay ng impormasyon ang mga pulis.
Narito ang eksklusibong kuha ni Jong Manlapaz:
EXCLUSIVE: 2 suspek na pumatay sa asst. prosecutor ng Ombudsman, arestado na ng QCPD; Kinumpirma ng barangay official | @jongmanlapaz pic.twitter.com/FD9rsB70tQ
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 4, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.