Patayan sa QC, lalaganap kung si Cong. Crisologo ang mauupong mayor sa 2019 – Pang. Duterte
Magiging killing field ang Quezon City.
Ito ay kung si Quezon City Congressman Vincent “Bingbong” Crisologo ang mananalong mayor sa Quezon City sa darating na May 2019 elections.
Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa meet and greet sa Filipino community sa South Korea, kinilala ng pangulo si Crisologo na kasama sa kanyang biyahe.
Sa pagkakaalam ng pangulo, isa ang pangalan ni Crisologo na nababanggit sa isyu ng patayan.
“So I’ve mentioned si Congressman Crisologo, he’s there. I think tatakbo ka ng mayor, sir. Maraming patay diyan kung… [laughter] Alam ko ano ka rin eh,” ani Duterte,
Makakalaban ni Crisologo sa mayoralty race sa Quezon City si Vice Mayor Joy Belmonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.