May pondo na sa mga maaapektuhan ng Bagyong Lando

By Den Macaranas October 17, 2015 - 03:26 PM

philippine-peso
Inquirer file photo

Naglaan ang pamahalaan ng P18, 461, 884.69 cash at P158,164.76 na halaga ng mga food and non-food items para sa mga inaasahang maaapektuhan ng Bagyong Lando.

Sinabi ni Presidential Deputy spokesperson Usec. Abigail Valte na activated na rin ang “Oplan Listo” na binubuo ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Idinagdag din ni Valte na naka-alerto na rin ang mga ospital  sa ilalim ng Department of Health kung saan kabilang sa mga inihanda ay ang mga first aid kits.

Tiniyak naman ng Department of Energy at National Electrification Administration na nakahanda na rin ang kanilang mga tauhan na kaagad na umagapay kapag nagkaroon ng mga biglang power interruptions sa ilang mga lugar.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na mananatiling nakabantay si Pangulong Noynoy Aquino sa mga kaganapan at regular din siyang nakatatanggap ng mga updates mula sa PAGASA at NDRRMC.

TAGS: Bagyo, Lando, NDRRMC, Pagasa, Bagyo, Lando, NDRRMC, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.