TRAIN Law, posibleng dahilan ng hindi pag-aaral ng ilang kabataan – Sen. Bam Aquino
Nangangamba si Senator Bam Aquino na dahil sa mataas na halaga ng mga bilihin ay may mga pamilya na mapipilitang isakripisyo ang edukasyon para lang mabuhay.
Ayon kay Aquino, kailangang malaman kung ilang bata at kabataan ang hindi nakapag-enroll ngayon taon dahil hindi na kaya ng kanilang mga magulang na tustusan ang kanilang pag-aaral.
Sinabi pa ng senador na dahil sa TRAIN Law ay tumaas ang halaga para makapamuhay ang isang pamilya gayung hindi naman nadagdagan ang suweldo ng mga manggagawa.
Diin din ni Aquino, maging ang tulong-pinansiyal na ibinibigay sa mga mahihirap na pamilya ay nabawasan din ang halaga bunga ng mataas na presyo ng mga bilihin.
Kaya’t nais nito na masuri muli sa Senado ang tax reform package ng gobyerno, suspindihin muna ang excise tax sa mga produktong-petrolyo, ipatupad ng maayos ang unconditional cash transfer at ang pagpapatupad ng pantawid pasada programa para maibsan ang epekto ng bagong batas sa buwis sa masa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.