Muling nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagbili ng mga produktong pampaganda na naglalaman ng mga mapanganib na sangkap.
Ang mga sumusunod ay natagpuan ng Health Sciences Authority (HSA) ng Singapore na hindi “compliant” sa inilatag na technical standard ng ASEAN Cosmetic Directive (ACD).
Natagpuan sa pagsusuri ng HSA na mataas ang lebel ng mercury ng Balleza Skincare Night Cream.
Ang Mercury ay isang heavy metal na mapanganib sa kalusugan lalo na sa mga buntis dahil maaari nitong maipasa sa sanggol sa gatas.
Ang mga sumusunod naman na beauty products ay natuklasan na naglalaman ng Hydroquinone o Tretinoin o pareho:
-Balleza Skincare Treatment
-Brilliant Skin Essentials Rejuvenating Cream Exfoliant Cream
-Brilliant Skin Essentials Whitening Cream 10g
-Brilliant Skin Essentials Whitening Facial Toner 60mL
-Droplets of Nature Rejuvenating Cream Lift & Correct 10g
-Droplets of Nature Rejuvenating Toner Lift & Correct 60mL
– Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin Rejuvenating Cream
-Speaks G Skin Essential Brightening Rejuvenating Cream 10g
Ang Hydroquinone at Tretinoin ay hindi na pinahihintulutan na ihalo sa mga cosmetic products dahil ito ay itinuturing na isang drug product sa Pilipinas dahil sa malalang epekto nito tulad ng pamumula at permanenteng pagbabago ng kulay ng balat.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng FDA ang publiko na isumbong sa kanila ang sinumang nagtitinda ng mga nasabing produkto.