Pang-aabuso ang paghalik ni Duterte sa Pinay OFW sa SoKor – Sen. Hontiveros

By Jan Escosio June 04, 2018 - 03:37 PM

Malinaw na pang-aabuso sa kapangyarihan ang paghalik sa labi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.

Ito ang naging reaksyon ni Senadora Risa Hontiveros sa viral photo ng paghalik ni Duterte sa labi ng isang Filipina.

Aniya, kahit na pumayag ang babae, may pagsasamantala sa bahagi ng pangulo dahil sa kaniyang katayuan at posisyon.

Kasabay nito, umapela naman si Hontiveros sa ating mga kababayan lalo na sa mga netizen na huwag husgahan ang nakipaghalikan na Filipina at aniya, dapat nagpigil at inirepesto ng punong ehekutibo ang babae.

Dagdag pa ng senadora, ang eksena ay maari din panglihis sa mga seryosong isyu na kumakalampag sa gobyerno sa ngayon.

TAGS: Pinay OFW sa South Korea, Rodrigo Duterte, Sen. Risa Hontiveros, Pinay OFW sa South Korea, Rodrigo Duterte, Sen. Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.