Asst. special prosecutor ng Ombudsman, patay sa pananaksak sa QC

Patay ang isang assistant special prosecutor ng Office of the Ombudsman matapos saksakin sa ‎No. 51 Visayas Avenue, Barangay Vasra, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Joselito Esquivel, kinilala ang biktima na si Atty. Madona Joy I. Ednaco-Tanyag na residente ng Concepcion 2 sa Marikina City.

Sa inisiyal na impormasyon, nangyari ang insidente ng pananaksak sa tapat ng isang lotto outlet.

Naisugod pa ang biktima sa East Avenue Medical Center ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP para alamin ang motibo sa likod ng pananaksak.

Read more...