Balasahan sa PNP, hindi pa tapos – PNP chief Albayalde
Patikim pa lamang ang nangyaring balasahan ng mga opisyal sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ni PNP Chief Oscar Albayalde kasabay ng pagsabi na susunod niyang babalasahin ang mga provincial at city directors base sa magiging resulta ng rekomendasyon ng oversight committee.
Kasunod nito, sinabi ni Albayalde na isang buwan lamang ang kanyang ibinibigay sa mga bagong appoint na opisyal para patunayan ang kanilang kakayahan at kung sila ba ay karapat-dapat sa posisyon.
Kung hindi rin aniya magiging epektibo ang mga ito ay posible ring agad na mapalitan sa trabaho.
Matatandaang nitong Biyernes, nagsagawa ng ‘major revamp’ ang PNP kung saan pinaka-naapektuhan si Director Camilo Cascolan na agad pinalitan ni Chief Supt. Guillermo Eleazar bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Samantala, nilinaw naman ni Albayalde na hindi demotion ang nangyari kay Cascolan dahil 2 stars din naman ang posisyon para sa hepe ng Civil Security Group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.