Ligtas ang 27 pasahero sa lumubog na bangka sa Cebu

cebu-city-map
Inquirer file

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na nasa ligtas na kalagayan na ngayon ang lahat ng sakay ng M/B Mansan na lumubog sa pagitan ng Camotes Island at Danao City sa lalawigan ng Cebu.

Sinabi ni PCG station Commander Weniel Azcuna na dalawampu’t pito ang kabuuang sakay ng nasabing bangka nang hampasin ito ng malakas na alan na naging dahilan ng paglubog nito pasado alas-onse kagabi.

Alas-siyete na ng umaga nang mailigtas ang mga pasahero nang mapadaan sa luag ang MV Filipinas Dinagat na pag-aari ng Cokaliong Shipping Lines.

Dinala ang mga nakaligtas sa Pasil Fish Port kung saan sila’y pinakain samantalang ang iba naman ay kaagad na dinala sa isang ospital.

Kabilang sa mga sugatan ay si Rudyard Payusan na nasugatan sa binti makaraan siyang tumalon mula sa lumubog na bangka.

Galing sa Talibon sa lalawigan ng Bohol ang nasabing sasakyang pandagat at papunta sa Cebu City nang maganap ang insidente.

Nakatakda namang bumuo ng isang investigating team ang Philippine Coast Guard para alamin ang ilan pang detalye sa paglubog ng nasabing bangka.

Read more...