WATCH: Mahigit 25 ektarya na agricultural land sa Boracay maaari nang ipamahagi sa mga katutubong magsasaka

By Jong Manlapaz June 04, 2018 - 12:59 PM

Natukoy na ng Department of Agrarian Reform o DAR ang unang batch ng agricultural land na pwedeng ng maipamahagi sa mga katutubong magsasaka sa isla ng Boracay matapos ang 90 araw.

Ayon kay Atty. David Erro, undersecretary ng DAR, sa ngayon aabot sa mahigit 26 hectare na agricultural land na pwede ng maipamahagi sa may 80 indibidwal na pawang mga katutubo.

Ito ay sa kabuuang 600 hectares na agriland na dineklara ni ating pangulo at ngayon Congresswoman Gloria Arroyo sa isla ng Boracay.

Sinabi pa ni Erro na sa propose executive order na ipinasa ng DAR kay Pangulong Rodrigo Duterte, 1 kilometer mula sa aplaya ay pwedeng ideklara tourism spot para hindi pa rin mamatay ang turismo sa Boracay.

Pero ang lahat ng lalagpas na gusali dito ay ipapagiba ng DAR para maging kaaya-aya sa pagtatanim.

Narito ang report ni Jong Manlapaz:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Agricultural Land, boracay, Radyo Inquirer, Agricultural Land, boracay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.