13 Nigerian nationals na miyembro ng online scamming syndicate arestado sa Cavite

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 04, 2018 - 12:24 PM

Arestado ang labingtatlong Nigerian nationals at isang Pinoy na kanilang kasabwat dahil sa pagkakasangkot sa “online scamming syndicate” na bumibiktima sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at iba pang nationalities.

Ayon kay Imus City police chief Supt. Audi Madrideo isinagawa ang pagsalakay sa lungsod kung saan nadakip ang mga miyembro ng “online syndicate”.

Modus ng grupo ang lumikha ng pekeng Facebook accounts, na may nakaw na mga larawan at magkukunwaring miyembro ng United States military.

Kabilang sa nadakip ang isa sa mga lider na grupo na si Emmanuel Nnandi, isang Nigerian, nang isagawa ng mga otoridad ang entrapment operation Linggo ng gabi sa isang money transfer outlet sa Barangay Tanzang Luma 2.

Si Nandi naman ang nagturo kung saan matatagpuan ang mga miyembro ng sindikato.

Sa pamamagitan ng chat, papangakuan nila ang mga biktima na padadalhan ng pera o regalo galing abroad.

Pero bago maipadala ang regalo, dapat ay magpapadala muna ng pera ang biktima para ipambayad kunyari sa shipping o customs fees.

Nabatid ng pulisya na nakapasok sa bansa ang mga Nigerian na suspek gamit ang student visas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cavite, nigerians, online scamming, Radyo Inquirer, cavite, nigerians, online scamming, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.