Pinay, nanumpa bilang mahistrado sa Canada
Nanumpa sa pwesto bilang kauna-unahang Philippine-born judge sa Calgary, Canada ang isang Pinay na si Bernadette Ho.
Si Justice Bernadette Ho ay nanumpa kay Associate Chief Justice John D. Rooke at sa harap ng iba pang mahistrado ng sa Calgary Courts Center.
Ayon kay Justice Ho, proud siya sa kaniyang pinagmulan sa Pilipinas.
Sinabi naman ni Consul General Gilberto Asuque, si Justice Ho ang unang Philippine-born Canadian na mauupo sa mataas na posisyon sa hudikatura sa Calgary.
Sa rekord ng Philippine Consulate General sa Calgary, sanggol pa lamang si Justice Ho nang mag-migrate sa Calgary ang kaniyang magulang na kapwa Pinoy noong 1971.
Nagtapos si Justice Ho ng kaniyang early education sa Cochrane, Alberta at BA Communication Studies sa University of Calgary noong 1992, habang nagtapos naman sya ng law sa University of Alberta noong 1995.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.