WATCH: Payo ng DepEd sa mga estudyante: ‘Wag puro gadgets, magbukas din ng libro’
Huwag lang puro gadgets, magbukas din ng libro.
Ito ang payo ni Education Secretary Leoner Briones sa mga mag-aaral ngayong pasukan.
Sa kanyang talumpati sa Quezon City High School, sinabi ni Briones na mabilis na nagbabago ang panahon at para makasabay dito ay kinakailangang mag-aral at magbasa.
Ayon sa kalihim, batid nya nakakatamad na magbitbit ng libro, pero dapat umanong ugaliin ng mga estudyante na magbasa ng libro para madagdagan ang kanilang mga kaalaman.
Dagdga pa nya, may panahon naman sa ibang bagay na maaring pagkaabalahan sa labas ng paaralan kaya kinakailanhang masamantala ang mga oras na ginugugol ng mga estudyante sa paaralan.
Samantala, para mabawassn naman ang mga libro na binibit ng mga estudyante sinabi ng Deped na gugol sila ng P8 Billion para sa computerization program kung saan maglalaaan sila ng tablet at computer sa estudyante na maari nilang magamit sa klase.
Narito ang buong ulat ni Mark Makalalad:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.