Bagong tagapagsalita ng PNP, pormal nang umupo sa pwesto ngayong araw

By Mark Makalalad June 04, 2018 - 11:36 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Pormal nang umupo sa kanyang pwesto bilang bagong hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police si Chief Supt. Benigno Durana.

Ito’y kasunod ng pagkakatalaga kay Chief Supt. John Bulalacao bilang bagong bagong Director ng Police Regional Office 6.

Ang simpleng turnover Ceremony ay isinagawa sa media center ng multi-purpose center sa Camp Crame Lunes ng umaga.

Pangako ni Durana, pipilitin nyang sundan ang yapak ni Bulalacao at mas magiging bukas sa media pagdating sa usapin at isyu na kinakaharap ng PNP.

Nagpasalamat din sya kay PNP Chief Oscar Albayalde at sa oversight committee na pumili sa kanya.

Ang bagong tagapagsalita ng PNP na si Sr. Supt. Durana, ay miyembro ng PMP class of 1988, kung saan nagtapos siya na cum laude.

Ang huling assignment ni Durana ay bilang Team Leader ng Office of Rule of Law and Security institutions ng United Nations Department of Peacekeeping operations (UN-DPKO) sa Brindisi, Italy mula Nobyember 2015 – hanggang Nobyembre 2017.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: albayalde, Benigno Durana, PNP Spokesman, Radyo Inquirer, albayalde, Benigno Durana, PNP Spokesman, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.