6 na sundalo sugatan sa pakikipagbakbakan sa NPA sa Isabela

Nasugatan ang anim na sundalo sa pakikipag-sagupaan sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Isabela.

Naganap ang bakbakan sa bayan ng Echague Lunes ng madaling araw.

Ayon sa ulat ni Army Capt. Jefferson Somera, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, nagpapatrol ang mga tauhan ng 86th Infantry Battalion nang matyempuhan ang mga rebelde sa Barangay Mabbayad.

Doon na nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng magkabilang panig.

Sinabi ni Somera na nilalapatan na ng lunas sa mga pagamutan sa Cauayan City ang mga sugatang sundalo at nakatakda silang ilipat sa 5th Infantry Division Hospital na nasa loob ng kampo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...