Pinay na hinalikan ni Pangulong Duterte sa South Korea, nagpaliwanag

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 04, 2018 - 10:50 AM

Nagpaliwanag ang isang Pinay na hinalikan ni Pangulong Duterte sa labi sa pakikipagkita ng pangulo sa Filipino community sa South Korea.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Pinay na walang malisya ang naging paghalik ng pangulo sa kaniyang labi.

Sinabi din nitong siya ay may-asawa at kasal siya sa isang Korean national at mayroon silang anak.

Binanggit umano niya ito sa pangulo nang siya ay tanungin kung siya ay mag-asawa.

Ayon sa nasabing Pinay worker, walang ibig sabihin ang halik at ginawa lang ito bilang twist at para pakiligin ang audience.

Magkakaiba naman ang komento ng netizens sa nasabing isyu.

May mga nagsabi na pawang mga ‘dilawan’ lang ang nagbibigay malisya sa nangyari.

Meron din namang nagsabi na sana ay nirespeto ng pangulo at ng babaeng OFW ang kaniyang mister na tiyak nasaktan nang nakitang hinalikan siya ng pangulo sa labi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Duterte kisses Filipina Worker in South Korea, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Duterte kisses Filipina Worker in South Korea, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.