Warriors wagi kontra Cavaliers sa game 2 ng NBA finals sa score na 122-103
Wagi ang Golden State Warriors sa game 2 ng NBA finals kontra Cleveland Cavaliers.
Dahil sa panalo sa score na 122-103 naitala ng Warriors ang 2-0 lead para sa best-of-seven series.
Sa pagtatapos ng 1st quarter, apat na puntos ang lamang ng Warriors sa Cavaliers at lumobo pa sa 13 puntos na kalamangan sa 2nd quarter.
Sa 3rd quarter mas marami ang naging score ng Cavaliers pero hindi ito sumapat para malamangan nila ang Warriors.
Pagsapit ng 4th quarter lalo pang nagpaulan ng puntos ang Warriors dahilan para tambakan nito ang Cavaliers.
33 points ang ibinigay ni Stephen Curry, 26 points si Kevin Durant, at 20 points si Klay Thompson.
Tila kinapos naman ngayon LebRon James na mula sa 51 points noong game 1 ay nakapagtala lamang ng 29 points sa game 2.
Sa Huwebes ng umaga oras sa Pilipinas gaganapin ang game 3 at sa homecourt na ng Cavaliers ang pagtutuos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.