Pangulong Duterte at kapatid na babae magkaaway dahil sa pagsibak kay DOTr Asec. Mark Tolentino

By Chona Yu June 04, 2018 - 10:31 AM

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-away na naman sila ngayon ng kanyang kapatid na babae.

Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo kung sino sa kanyang nga kapatid ang kaaway niya ngayon.

Sa talumpati ng pangulo sa meet and greet sa Filipino community kahapon sa South Korea, sinabi na nagsimula ang away nilang magkapatid nang sibakin niya sa puwesto si Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino.

Sinibak ng pangulo si Tolentino dahil sa paglapit nito sa kanyang kapatid na babae para i-lobby ang Mindanao Rail Project.

Ayon sa pangulo, sinulatan siya ng kanyang kapatid para ipahayag ang kanyang sama ng loob.

Pero ayon sa pangulo, wala sa kanyang bokabolaryo ang first family. Malinaw din aniya ang kanyang polisiya na huwag lumapit sa kanyang mga kamag anak para mag-lobby ng mga proyekto sa pamahalaan.

“Sinabi ko na sa inyo, huwag ninyong pag-usapan. Sabi ang pinag-usapan na maganda sana kung meron tayong — I said basta project, huwag ninyong kausapin ang… So I fired him. Galit ‘yung kapatid ko sa akin. Nag-away naman kami noon, away na naman. Sinulatan niya ako. Sabi ko, look, pati kayo ngayon. There is no such thing as a first family. Lahat tayong Pilipino first family tayo,” ayon sa pangulo.

Pero ayon sa pangulo, hindi na bago sa kanya ang pag-aaway nilang magkapatid dahil noon pa man ay nangyayari na ang hindi nila pagkakaintindihan sa ilang mga bagay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.