Naging maayos sa pangkalahatan ang pagbubukas ng klase ngayong araw para sa mga pampublikong paaralan.
Nasa 27 milyong mga mag-aaral sa lahat ng public schools sa buong bansa ang nagbalik-klase ngayong araw base sa datos ng Department of Education (DepEd).
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo, wala pang naitatalang malaking problema ang DepEd sa naging pagbubukas ng klase, katunayan maituturing aniya ang taong ito bilang isa sa pinakamaayos na school opening sa kasaysayan. (PAUSE FOR SOV)
Ani Mateo, malaking bagay ang dry run na ginawa ng DepEd sa mga huling araw ng Brigada Eskwela.
Sa nasabing dry run, binigyan na ng briefing ang mga mag-aaral upang ngayong araw ay hindi na sila malito o maghagilap pa ng kanilang classrooms gaya ng mga nararanasan problema sa nagdaang mga taon.
Sa susunod na mga linggo naman sinabi ni Mateo na magbabalik na rin sa klase ang mga estudyante sa mga pribado namang paaralan.