Bagyong Lando lalo pang lumakas habang papalapit sa Baler Aurora
Lalo pang lumakas at bumagal ang pagkilos ng Bagyong Lando habang siya’y papalapit sa Bayan ng Baler Aurora.
Kaninang alas-diyes ng umaga, huling namataan si Lando sa layong 295Km Silangan ng Baler Aurora taglay pa ang lakas ng hangin na 165kph at pagbugsong aabot sa 195kph.
Gamit ang Baler Doppler Radar system, nakita nang PAGASA na napanatili ni Lando ang 600Km in diameters na laki nito kaya halos sakupin na niya ang buong Luzon.
Dahil sa laki at kapal ng kanyang kaulapan, sinabi ng PAGASA na asahan na magiging malakas ang dalang pag-ulan ng bagyong Lando at napaka-bagal ng kanyang takbo na umaabot lamang sa 10kph.
Ipinaliwanag din ng PAGASA na mapanganib sa mga sasakyang pandagat ang pag-ulan na dala ng bago bukod pa sa lakas ng hangin nito na pwede pang mag-intensify habang nasa karagatan ang nasabing sama ng panahon.
Idinagdag pa ng PAGASA na pwedeng umabot sa 14-meters ang storm surge sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No.3 kaya pinag-iingat nila ang publiko.
Nadagdagan din ang bilang ng mga lugar na ngayon ay nasa ilalim na ng Public Storm Signal No. 3 na kinabibilangan ng mga sumusunod na lalawigan.
Quirino,
Aurora
Isabela
Polillo Island
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Ifugao
Ang mga lalawigan na nasa ilalim ng Signal No.2 ay ang mga sumusunod:
Northern Quezon
La Union
Benguet
Mt. Province
Ilocos Sur
Ilocos Nort,
Abra
Apayao
Bulacan
Kalinga
Cagayan
Babuyan
Calayan Island
Signal No.1 ay nakataas na sa mga sumusnod na lugar:
Batanes
Pangasinan
Pampanga
Tarlac
Zambales
Bataan
Rizal
Batangas
Laguna
Southern Quezon
Cavite
Albay
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Metro Manila
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.