3 suspek sa pagpatay sa isang pulis sa Pasay, arestado ng PNP

By Mark Makalalad June 04, 2018 - 09:55 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ng Philippine National Police ang 3 mga suspek sa pagpatay sa isang pulis sa Dapitan St. Brgy. 7, Pasay City noong June 1.

Unang naaresto ang suspek na si Norman Carmona, 19 anyos, sa ikinasang follow up operation sa kaparehong araw kung saan natunton ang kanyang kinalalagyan sa pamamagitan ng tip ng isang testigo.

Kumanta naman sa Carmona at itinuro ang kanyang kasamahan na si Anthony Jordan, 33 taong gulang at residente sa lugar.

Nang magipit na ang 2 suspek dito na nila itinuro ang mastermind sa krimen na kapitan pa ng Brgy 64 Zone 6 sa Pasay na si Nestor Advincula.

Lumalabas sa imbestigasyon na pinapatay ni Advincula si PO2 Rafael Sibunga kapalit ng P20,000. May alitan daw kasi ang dalawa dahil sa baranggay at sinasabi na isinasangkot ni PO2 Sibunga si Advincula sa iligal na aktibidad.

Nasampahan na ng kasong murder ang 3 sa Pasay City Prosecutors Office.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pasay City, radyo inqurier, three police, Pasay City, radyo inqurier, three police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.