Matapos ang insidente ng pananaksak sa grupo ni Jeron Teng, Taguig Police aatasang magdagdag ng tauhan sa BGC

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 04, 2018 - 09:31 AM

Inquirer file photos

Magdaragdag ng pulis sa Bonifacio Global City (BGC) matapos ang insidente ng pananaksak sa tatlong basketbolista.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde, matapos ang insidente, malinaw na kailangan ng dadgag na police visibility sa lugar.

Ani Albayalde, aatasan niya ang hepe ng pulis sa Taguig na magtalaga ng dagdag na tauhan sa BGC lalo na oras na marami ang gumigimik o nagtutungo sa mga gimikan sa BGC.

Magugunitang noong Linggo ng umaga nabiktima ng pananaksak sina Teng at kasama niyang si Norbert Torres at Thomas Torres.

Ani Albayalde nakainom ang mga suspek sa pananaksak na humiling umano na makapagpa-picture sa grupo ni Teng.

Nainis umano ang mga suspek nang tila tinanggihan sila ng grupo ni Teng na noon ay pawang nakainom din.

Nadakip na ng mga otoridad ang dalawang suspek sa pananaksak na sina Edmar Manalo at Willard Basili na sasampahan ng mga kasong Frustrated Homicide at Less Serious Physical Injuries.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BGC, jeron teng, PNP, Radyo Inquirer, BGC, jeron teng, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.