Iniharap sa media ni Philippine National Police (PNP) Dir. Gen. Oscar D. Albayalde ang babaeng tauhan ng Special Action Force (SAF) na nahuli sa kasagsagan ng pot session sa Taguig City noong Sabado.
Si Police Officer 3 Lyn Tubig, ay nadakip sa ikinasang operasyon sa Barangay Tuktukan.
Ayon kay Albayalde nahuli sa akto so Tubig at kaniyang boyfriend na si John Vincent German at ama nitong si Fernando German habang nagpa-pot sesison.
Naka-assign si Tubig sa SAF 44th battalion sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan.
Base sa ulat, rumesponde ang mga pulis sa reklamo ng isang babae na ninakawan sa Barangay Tuktukan.
Pagdating sa lugar, napansin ng mga pulis ang isang lalaking may hawak na baril. Agad na tumakbo ang lalaki papalayo sa mga pulis.
Nang tugisin ito ng mga otoridad sa mga barung-barong, nadiskubre ang grupo ni Tubig na nagpo-pot session.