Bagong passenger terminal building sa Oriental Mindoro binuksan na

DOTr Photo

Binuksan na ang bagong terminal building sa pantalan sa Oriental Mindoro.

Pinasinayaan ng Department of Transportation-Philippine Ports Authority (DOTr-PPA) ang bagong gawang passenger terminal building (PTB) ng Balatero Port.

Ito ang pinakabagong gateway port patungong Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Mayroong 500-passenger capacity ang terminal at may maayos na hintayan para sa mga pasahero.

Nagsimula ang konstruksyon ng gusali noong 2015 pero dalawang taon na na-delay bago tuluyang matapos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...