NBA Star Lamar Odom nagkamalay na

By Den Macaranas October 17, 2015 - 11:01 AM

 (AP Photo/Brandon Wade, File)
Inquirer/AP file photo

Makaraan ang ilang araw na pagka-comatose, nagkamalay na ang NBA Superstar na si Odom Lamar ayon sa tagapag-salita ng kanilang pamilya na si Alvina Alston.

Sa panayam sinabi ni Alston na nananatili pa rin sa loob ng Intensive Care Unit ng Sunrise Hospital sa Las Vegas Nevada ang nasabing NBA star.

Bukod sa nakapagsasalita na, naitataas na rin daw ni Odom ang kanyang mga kamay at nagawa na rin niyang makipag-usap sa kanyang dating misis na si Khloe Kardashian.

Magugunitang natagpuan kamakailan na walang malay at may dugo sa kanyang ilong sa loob ng Love Ranch Crystal Club sa Nevada si Odom.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, may kasamang dalawang babae si Lamar nang pumasok siya sa VIP suite nang nasabing Club.

Nagpositibo rin si Odom sa pag-gamit ng cocaine at herbal Viagra.

Mula nang dalhin sa ospital na hindi na siya iniwan ng kanyang dating asawa at nagsabing titiyakin niya na sabay silang lalabas ng pagamutan na naglalakad at nasa maayos na kalagayan.

Sinabi naman ng dating Coach ni Odom sa L.A Lakers na si Jim Harrick na isang malaking himala ang nangyari sa NBA star dahil inakala nilang lahat na hindi na siya makaka-recover pa mula sa ilang araw na pagkaka-comatose.

Sa pagkakaroon ng malay na naturang NBA star, umaasa naman ang mga imbestigador na malilinawan na kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya sa loob ng Love Ranch Crystal.

TAGS: Khloe Kardashian, Lamar Odom, Las Vegas, NBA, Khloe Kardashian, Lamar Odom, Las Vegas, NBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.