Mga dati nang problema inaasahan na rin sa pagbubukas ng klase ngayong araw ayon kay Rep. Tinio

By Erwin Aguilon June 04, 2018 - 07:12 AM

Inquirer file photo

Inaasahan na ni ACT teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na ang mga dating problema pa rin ang bubulaga sa mga pampublikong paaralan ngayong unang araw ng pagbubukas ng klase.

Sinabi ni Tinio na makikita naman ang mga dating problema katulad ng kakulangan ng classrooms, mga guro gayundin ang malalaking class size.

Pinuna rin ng mga mambabatas na dahil sa kakulangan ng mga classrooms, nagiging dahilan ng paglobo ng bilang ng mga estudyante sa isang classroom.

Base sa Department of Education mayroon pa ring 18,000 kulang na classroom sa Metro Manila na nagreresulta ng 50 – 60 estudyante kada classroom. Napakalaki anya ng bilang na ito kung ihahambing sa ibang bansa.

Itinuturong dahilan ng mambabatas ang kakulangan sa mga karagdagang lugar na pagtatayuan ng mga bagong gusali kaya nagkakaroon ng classroom shortage sa kalakhang Maynila.

Ang National Capital Region ang nananatiling may malaking shortage ng classroom dahil sa kawalan space o lupa na pagtatayuan ng mga karadgdagang silid aralan.

Para sa mambabatas isa rin sa problema ay ang underspending kung saan ang malaking porsyento ang malaking school building sa budget ng DepEd para sa taon ay hindi nila nauubos dahil may nababago sa pagpapatayo at ang mga
rekisitos para sa konstruksyon ng ay hindi agad nagagawa.

Dahil dito iginiit ni Tinio ang pangangailangan sa pagpapagawa ng mas marami pang classrooms para matugunan ang tumataas na bilang ng mga estudyanteng nag-eenroll sa mga pampublikong paaralan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: class opening, Department of Education, Radyo Inquirer, class opening, Department of Education, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.