DENR Sec. Cimatu napagsabihan ni Pang. Duterte sa pagpasyal-pasyal sa Boracay
Napagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu sa pagsisimula pa lang noon ng plano para sa rehabilitasyon ng Boracay.
Pabirong ikinwento ng pangulo na pinagsabihan niya si Cimatu nang makita niya sa front page ng isang pahayagan na tila namamasyal ito sa dalampasigan ng Boracay at mistulang nagmamasid sa dalawang dayuhang babaeng naka-bikini.
Sinabi ni Duterte na sobrang dismayado siya sa problema sa Boracay kaya inatasan niya sina Cimatu at Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na tignan na ang sitwasyon sa isla.
Ayon sa pangulo kinausap niya noon si Cimatu nang makita niyang panay ang pasyal sa beach at panay ang tingin sa mga babae doon.
Umaasa kasi umano siya noon ng mabilis na tugon at aksyon mula sa dalawang kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.