Pangulo ng Germany humingi ng tawad sa mga miyembo ng LGBTQI+ community

By Justinne Punsalang June 04, 2018 - 12:35 AM

Humingi ng tawad ang pangulo ng Germany sa mga miyembro ng LGBTQI+ community sa kanilang bansa dahil sa deka-dekadang paghihirap at pang-aapi na kanilang naranasan bilang resulta ng mapanupil na mga batas sa panahon ng pamamayagpag ng Nazi at pagkatapos ng World War II.

Sa talumpati ni German President Frank-Walter Steinmeier para sa pag-alala sa gay persecution noong rehimen ni Adolf Hitler ay sinabi nito na nakalulungkot mang isipin, ngunit umabot pa matapos ang panahon ng giyera ang hindi maayos na pagtrato sa mga miyembro ng LGBTQI+ community.

Aniya pa, noong mga panahon na nahahati pa sa dalawa ang bansang Aleman ay itinuturing na isang krimen ang pagiging homosexual.

Kaya naman, malugod na humingi ng tawad si Steinmeier para sa pagpapahirap, maging ang kawalan ng aksyon ng pamahalaan para masolusyunan ang mga pagmamalupit na naranasan ng LGBTQI+ community.

Pagtitiyak ng Alemang pangulo, poprotektahan na ngayon ng kanilang bansa ang lahat ng miyembro ng LGBTQI+ community.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.