Pangulong Duterte nais bumili ng Bell helicopters mula South Korea
Matapos ang kinanselang transaksyon sa Canada ay ikinukonsidera ng gobyerno na bumili ng Bell helicopters mula sa South Korea.
Sa kanyang kauna-unahang official visit sa South Korea ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad ng isang helicopter deal sa gobyerno ng naturang bansa.
Layon nitong mapalakas pa ang pwersa ng Armed Forces of the Philippines.
Nakatakdang makapulong ni Duterte si South Korean President Moon Jae-in ngayong araw sa Blue House upang pag-usapan ang ilang mga bagay tulad ng kalakalan at pamumuhunan maging ang security cooperation at defense.
Iginiit ng pangulo na bibili sana ng 23 helicopters ang Pilipinas sa Canada ngunit ipinag-utos niya ang kanselasyon nito matapos magtakda ang nasabing bansa ng kondisyon na hindi ito dapat gamitin sa mga combat operations.
Ayon naman kay Philippine Ambassador to South Korea Raul Hernandez, nakatakda ring maginspeksyon ang pangulo sa ilang defense equipment sa isang Korean base habang nasa Seoul.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.